Saturday, August 22, 2009

Ang tagal kong nakatanga sa harap ng monitor ng laptop bago ko naisulat kong anu man ang nararamdaman ko ngayon...Pakiramdam ko ang sama kong kaibigan para iwasan ng ganun...Kanina habang nasa trabaho,parang gusto ko maiyak pero di dapat...Lagi naman kaming ganito eh pero "pasensya lang kelangan"....Minsan naisip ko hirap pa lang maging mabait... Pero wala akong magagawa "AKO" na ito eh...
Ganito ba talaga kapag mag BESTFRIEND,laging may tampuhan?????? di ba pwedeng ilang oras lang tampuhan tapos ok n ulit????Pagkatapos ng happy moments ganito ang kasunod??? Kung ganun lang din ang mangyayari, mas gugustuhin ko pa na maging malungkot buong araw kesa naman after kong maging masaya eh meron palang lungkot na kasunod..With matching, edit ng pangalan sa cp...Hay...hay....haaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyy........Alam ko lilipas din siguro tampo nya,hayaan na lang.Hindi lang kasi ako sanay ng laging may kasamaan ng loob.25 na ko pero ngayon ko lang naexperienced ang ganitong friendship,atleast natutunan ko kung panu habaan ang pasensya ko...na dati ay wala sakin...minsan, nasabi sakin ng isang kaibigan, "HINDI KA PA BA PAGOD???DAHIL KAMI NAPAPAGOD NA SA INYO"...PAGOD- na lagi kaming ganito...na hindi matatapos ang buwan na hindi kami magkakatampuhan...May nagsabi pa na " ANO??NATAUHAN KA NA BA????...bigla kong naisip, ANG PAGIGING MABUTING KAIBIGAN BA AY KAILANGANG MAPAGOD???NA KAPAG NAGKASAMAAN KAU NG LOOB EH DUN NA MATATAPOS ANG FRIENDSHIP...????Ang point ko lang naman, hindi ko pwedeng isantabi ang mga pinagsamahan namin,na after ng misunderstanding eh wala na....hindi ko kasi naging ugali na makipag taasan ng pride....ako yung type ng kaibigan na kahit ako ang may kasalanan o hindi, ako pa rin ang unang lalapit sayo......MALI BA ANG GANITO???advice ng kaibigan, KAILANGAN DAW NA MAGING CIVIL KAMI SA ISA'T ISA KAPAG NAGING OK KAMI...ako daw ang talo kasi buong pagmamahal bilang isang kaibigan binigay ko pero para sa kanya eh balewala lang lahat....May time pa na pinagseselosan sya ng pinsan ko..kasi daw sa lahat ng gala ko ai lagi syang kasama.. Sabi nya, nahigitan na yata yung friendship namin ni JOY(bestfriend ko ng elementary until now)...Kahit naman ako, medyo nagtaka din kung bakit naging close agad kami eh wala pang 1 year kaming magkakilala at magkasama,..magkadikit na nga daw bituka namin eh....kahit ibang friends ko eh nagseselos sa kanya kasi SYA daw lagi kong kasama...Siguro kaya naging close ako sa kanya masyado eh dahil NAMIMISS KO ANG KAPATID KO......NA KUNG BUHAY SANA SYA, GANUN DIN KAMI SUPER CLOSE SA ISA'T ISA...NA SYA ANG BEST FRIEND KO....NA SYA ANG LAGI KONG KASAMA SA GALA......SA KALOKOHAN.....HAYYYYY......
" It was really hurt she treated me like nothing, the way she act in front of me and say nothing rather than to see her with her other circle of friends..."
Hindi sa kadramahan ito,siguro ito lang yung way ko para mailabas sama ng loob ko,walang makausap magdamag ai....saka ngayon lang ako nagkaroon ng tym para makagawa ng ganitong klaseng entry..Siguro kung maging ok man kmi, baka hindi na kami katulad ng dati....Na nakakalungkot isipin kapag nangyari yun.....Na makikita ko na iba na ang tropa at kaibigan na kasama nya....Siguro kapag nangyari yun,ai bahala na....BASTA AKO.....ANDITO LANG......
"Girl,iF you should ever find someone new...new group....new bestfriend, i know she would be better good to you.......'coz if she doesn't, i'll be there for you...."
------------------HOPE MAGING OK NA TAYO ULIT------------------

No comments:

Post a Comment